またまたフィリピンの詐欺師秋葉兄弟の店についてメディアが文句を言ってます

image


TITAN Zは売春がいっぱいなので
店を閉めさせて!と、
パサイ市長にメディアがお願いしています

にほんブログ村 海外生活ブログ フィリピン情報へ
にほんブログ村
PARA sa kaalaman ni Pasay City Mayor Antonino Calixto, ang Titan-Z Night Club sa Macapagal Ave. ay malapit lang ang layo mula sa City Hall.

Grabe ang bentahan ng sex sa loob ng VIP rooms at barfine o cairo sa Titan-Z.

Sa kabila ng front ito ng prostitution ay nakapagtataka kung bakit nakakuha ito ng business permit mula sa tanggapan ni Business Permit and Licensing Office o (BPLO) chief Boyet del Rosario na umano’y tatakbo pa naman na bise-alkalde ni Mayor Calixto.

Halos gabi-gabi ay talamak ang bentahan ng sex o gimik sa loob ng mga VIP nito.

Bukod pa sa talamak na barfine o cairo sa mga dayuhang ‘di “ma-satisfy” sa quicky sex sa mga VIP room.

Hindi tinatanggap ng magkapatid na Kenjie Akiba at Hiro ang mga nag-aaplay na mga babae sa Titan-Z kung hindi game o pakakasata ang mga ito.

Ang mag-utol na Kenjie at Hiro Akiba simula’t sapol nang dumating sila sa bansa ay ang negosyong pagpo-prostitute ng mga kababaihan sa Pilipinas ang pinalalaganap at pinagkakaperahan nila.

Kaya naman hindi nababawasan ang mga nagpo-prostitute at sa halip ay dumarami ang mga ito dahil sa lantarang ibinebenta ng mag-utol ang mga babae nila sa club.

Nasaaan na nga pala ang mga law enforcer gaya ng National Bureau of Investigation-Anti-Human Trafficking Division (NBI-ATHRAD) sa ilalim ni Atty. Erick Nuque at Department of Justice-Inter-Agency Council Against Trafficking (DOJ-IACAT) ni DOJ Sec. Leila de Lima?

Bakit kaya na noong nabuking ang suhulan sa BBL sa Kongreso, eh, pinatapon agad ang nanuhol na Chinese?

Ngayon na may kasong prostitusyon ng mga Pinay, ‘di kumikilos ang gobyerno?

SUGALAN SA PASAY TULOY PA RIN

Sa Pasay City ay buong tapang pa rin na ino-operate ni Boy Edmond ang iligal na lotteng at EZ-2 nito na minamantine ni Bong Jose.

Hindi ko lamang alam kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin kumikilos ang bosing ng mga pulis na si P/Supt. Joel Doria.

Hindi ko sinasabi na may timbre si kernel kaya tinatamad siyang huliin ito.

フィリピン旅行ランキングへ